Lesson:1 (Uri ng Tayutay)

Tayutay-  ay isang matalinghagang pahayag na nagbibigay ng mabisang  kahulugan upang lalong maging mabisa at makulay ang isang paglalarawan.

                           
                                     uri ng tayutay
1. Pagtutulad (simile)- Isang payak na pagtutulad sa dalawang bagay. Gumagamit ng  mga pariralang: katulad ng, tulad sa, parang, animo'y, gaya ng, kawangis ng. atbp
      Hal.
           1.Tulad siya ng isang bituin sa langit nagniningning sa ganda.
           2.Si maria na animo’y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.

2. Pagwawangis (Metaphor)- Isang payak na pagtutulad sa dalawang bagay. Gumagamit ng mga pariralang: katulad ng, tulad sa, parang, animo'y, gaya ng, kawangis ng. atbp

      Hal.
           1. Siya ay langit na di kayang abutin nino man.
           2. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Pagmamalabis (hyperbole) – lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay mga pangyayari. Ginagamit upang maipakita ang sukdulan ng isang pangyayari.

    Hal.
        1. Bumaha ng luha sa burol ng ama dahil sa matinding pagsisisi ng anak.
        2. Namuti ang kanyang buhok kahihintay sayo.
4. Personipikasyon ( Personification)- Pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga bagay-bagay sa paligid natin.

        Hal.
             1. Lumuha ang langit nang masawi ang kanyang ama.
             2. Lumipad ang oras.

5. Pagpapalit saklaw (synecdoche)  Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan.
     Hal.
           1. Ayaw kong makitang nakatungtong ang iyong paa sa aking pamamahay.     
           2. Ayokong makita ang iyong pagmumukha. 


6. Paghihimig (Onomatopoeia) -ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

        Hal.
          1. Ang himig nitong ibon, agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sa kagubatan.
          2. Ang alimuyak na bulaklak, mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan.

7. Aliterasyon (Alliteration) Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.

           Hal.

           1. Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.
           2. Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang                                   pagtatangi sa mahal niyang bayan.
8.Pagpapalit-tawag  (Metonymy) – Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan.

      Hal.
         1. Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.
         2. Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.


9. Pangtanggi (Litotes)  gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di- pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang  kabaligtaran ng ibig  sabihin.

     Hal.
         1. Siya ay hindi isang kriminal.
         2. Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.


10. Pag-uyam (Irony) – Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
      Hal.
          1.Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.
          2. Napakataas mo naman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.

Pagsusulit:  
           Panuto: (titik lamang ang isulat sa sagutang papel)


 1. Isang payak na pagtutulad sa dalawang bagay. Gumagamit nga mga pariralang: katulad ng, tulad sa, parang, animo'y, gaya ng, kawangis ng. atbp.

            A.Pagwawangis        B.Pagtutulad       C. Pag-uyam        D. Pagpapalit-saklaw

2. Gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di- pagsang-ayon. Ito’y may     himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig  sabihin.

             A. Personopikasyon    B. Pagmamalabis      C.Pagpapalit-tawag       
                                           D.  Pagtanggi

3.  Lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay o mga       pangyayari. Ginagamit upang maipakita ang sukdulan ng isang pangyayari.


               A. Pagmamalabis     B. Pagwawangis      C. Personipikasyon 
                                      D.Aliterasyon

 4. Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na  magkakaugnay, hindi sa kahambingan  kundi  sa mga kaugnayan. 
            A.Pagtutulad              B. Pagwawangis      C. Paghihimig      D. Pagpapalit-saklaw

  5. Naghahambing din ang pagwawangis ngunit hindi ginagamitan ng mga  salitang tulad ng, parang, kagaya,kawangis sapagkat ito'y tiyakang paghahambing. 
            A. Pagwawangis         B. Pagpapalit-tawag    C. Pagtutulad     D. Pagmamalabis


Panuto: Tama at Mali ( ilagay ang tama kung tama ang kahulugan at mali naman kung mali ang kahulugan nito.)

          1. Pag-uyam (Irony) – Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli.                          Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
          2. Pangtanggi(Litotes)  gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng                                          pagsalungat o  di- pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari,                                            isang  kabaligtaran ng ibig  sabihin.
          3. Pagpapalit-tawag o Metonymy- Isang payak na pagtutulad sa dalawang bagay.                                      Gumagamit ng mga pariralang: katulad ng, tulad sa, parang, animo'y, gaya                                          ng, kawangis ng. atbp.
          4. Pagwawangis (Metaphor)- gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng                                    pagsalungat o di- pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang                                          kabaligtaran ng ibig  sabihin.
          5. Pagpapalit-tawag o Metonymy – Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na                             magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan.



Takdang Aralin:
            
            1. Anu ang kahulugan ng ng Idyoma?
          2. Magbigay ng sampung (10) halimbawa ng Idyoma.
           
             


(Makukuha ang mga impormasyon sa internet or google)
(www.google.com)
             

                      


Comments

Popular posts from this blog

Semi Detailed Lesson Plan

3D ARTWORK ON PAPER